Dorryn’s Point of ViewKinabukasan…Maaga akong hinatid ni Snow sa harapan ng gate ng school. Huminto ang sasakyan sa pamilyar na lugar at agad akong bumaba habang marahang isinara ang pinto. Bahagyang humaplos sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin ng umaga. The sun had only just begun to rise higher in the sky, bathing the entire campus in a soft golden glow that made everything look deceptively peaceful.Another day na naman bilang ordinary new student.Isa na namang araw ng pagtatago.Isa na namang araw ng pagpapanggap.Pumasok ako sa gate nang kalmado ang mga hakbang, pero agad kong napansin na may kakaiba ngayon. Mukhang busy ang halos lahat ng estudyante. May mga nagkukumpulan sa gilid ng pathway, may ilan sa benches, at mayroon ding nakatayo malapit sa fountain habang nakatingin sa kani-kanilang phones.Hindi iyon normal.Usually maingay sila tungkol sa random things, school works, o kung sino ang latest na pinag-uusapan sa campus. Pero ngayon, iba.May excitement.May ten
Magbasa pa