Ilang araw na ang lumipas mula nang umalis si Kaizan papuntang ibang bansa. Ngunit sa mga araw na iyon, walang pagkakataong hindi nito sinubukang tawagan si Inara, kahit paulit-ulit lang siyang sinusungitan ng dalaga. At gaya ng mga nakaraang araw, ganoon din ang nangyari ngayon. "After I return," Kaizan said calmly, his deep voice carrying a quiet authority that made her grip tighten around her phone, "you'll follow my every command and be at my beck and call." Sandali itong tumahimik, tila hinihintay ang magiging reaksyon niya, bago muling nagsalita sa mas banayad na tono. "Don't worry. I won't make any unreasonable demands. It'll only last for one month. After that, you'll be free. My request isn't excessive, is it? After all, if it weren't for me, you'd be paying ten million that night." Napasinghap si Inara at napahilot sa sentido. 'Ganito na lang ba talaga ang mangyayari? Habang pilit kong iniiwasan siya, lalo lang akong nahuhulog sa gulong ito. Pisti talaga.' Madali niyang
Read more