Hindi maalis ni Inara ang tingin sa lalaki. The way he ate, calm and composed, every movement measured and deliberate, was annoyingly elegant. Halos makalimutan niya kung gaano siya nito kainis. Marahan siyang napabuntong-hininga. 'Totoo nga, kahit anong gawin ng magagandang tao, maganda pa rin tingnan. Grabeng mga pinagpala. Anak Mo rin naman ako, Lord!' Nang ibaba nito ang chopsticks, saka lamang siya nakahinga nang maluwag. 'Hay. Salamat naman. Kalayaan, sa wakas.' Ngunit bago pa siya makalapit sa pinto ng restaurant, may biglang humawak sa kaniyang pulso. Mahigpit. Mabilis siyang napalingon at nakakunot ang noo. “Young Master, hindi ba sabi mo, pagkatapos ng dinner, puwede na akong umuwi? Binabawi mo na agad?” Nagtaas ng kilay ang lalaki at bahagyang ngumiti. “No. I just wanted to ask. Would you like to come to my place for a bit?” Agad ang naging sagot niya. “No.” Wala man lang bahid ng pag-aalinlangan sa kaniyang boses. Kung ang simpleng makasama ito sa iisang silid ay s
Read more