Paglipas ng isang taon… Sa Switzerland. Malamig ang paligid sa labas ng facility, pero sa loob, mas mabigat ang katahimikan. Nasa gilid ng kama si Michael, nakaupo, nakatingin lang sa bintana. Habang unti-unting pumapatak ang luha niya. “Doc, bakit bigla na lang akong umiiyak ng walang dahilan?” kunot-noong tanong niya sa doktor, habang nagpapahid ng luha. “Minsan, kapag paulit-ulit nating pinipigilan ang emotions, naiipon siya. At kung hindi natin siya na-process, pwedeng lumabas siya sa iba’t ibang paraan—like sudden crying, anxiety, or physical symptoms.” Napatango si Michael. “Akala ko nga nailabas ko nang lahat… pero halos isang taon na rin akong nandito. Ganun pa rin.” “Malaki na ang pinagbago mo, kahit mabagal ang proseso, naniniwala ako na kaya mo pang makabawi ulit.” “Salamat, Doc.” “O siya, maiwan na kita ha.” Pagkalabas ng doktor, muling bumukas ang pinto. “Doc, may nakalimutan—” Hindi na natuloy ni Michael ang sasabihin ng makita niya si David.
Magbasa pa