Bahagyang natigilan si William. Dahan-dahan siyang lumapit kay Reign at iginaya siya paupo sa bench. "She's my best friend nung college," panimula nito. "Pero nagkagusto ako sa kanya... kaya niligawan ko siya... Pero… after graduation, lumipad siya papuntang US. Ang sabi lang niya, hintayin ko siya. I did. Hanggang sa hindi na siya sumagot sa mga tawag at messages ko." "Mahal mo pa?" "Hindi na, saka matagal na ’yon, Sweetheart. At isang babae lang ang nagmamay-ari ng puso ko, 'yung asawa ko lang... Ikaw lang, Reign.” “Binola mo pa talaga ko! Paano yung mga anak natin at si Granny, aber?! Hindi mo ba sila love?” kunwaring naiinis na tanong nito. Bahagya namang natawa si William. “Syempre, iba naman ’yon, Sweetheart. Romantically ikaw lang ’yon, nag-iisa ka lang sa puso ko… pero syempre mahal ko rin si Granny as apo niya, si Mama Leona, at ang mga anak natin. Kayo ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, Sweetheart. Kaya please… huwag kang mag-o-overthink nang kahit ano… dahil sa 'yo
Magbasa pa