“Sandali lang po. Tatawagin ko lang yung may-ari.” magalang na sabi ng waiter bago umalis. Maya maya pa ay bumalik ito kasama ang isang babaeng nasa 40’s ang edad, may katabaan, maayos ang pananamit at mukhang propesyonal. Pero mukhang masungit at malikot ang mata. Kung makatingin ay parang may pagdududa. Yun agad ang mga napuna ni Arah. “Hi. I’m Evelyn, may ari nitong restaurant.” anito at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang mga kaharap. Lalo na si Renz na may mamahaling kasuotan. Ngumiti ang babae na parang biglang nawala ang pagdududa nang makitang mayamanin ang kaharap niya. “Interesado daw kayo sa wholesale?” tanong nito. “Yes. My wife wants to open a mini mart, so I was wondering if we could take a look at your other items.” tugon ni Renz habang hawak pa rin ang kamay ni Arah. Napatingin si Evelyn sa magkahawak nilang kamay bago malawak na ngumiti. “Ofcourse. Kung gusto nyo, after nyong kumain, ipapakita ko sa inyo ang warehouse namin.’ “Tapos na kami.” mabil
Last Updated : 2026-06-25 Read more