“Salamat Nilo.” sabi ni Arah sa binatilyo nang magpaalam ito. Si Nilo ang binatilyong kinuha niyang alalay ni Carlos. “Sige po, Ate. Bukas ulit,” paalam nito. Katatapos lang nilang maghapunan. Nang makaalis si Nilo ay kinausap ni Arah ang ama. “Dad, galing nga pala ako sa Bahay Pag-asa. Kinukumusta kayo ni Inang Lucita.” wika ni Arah habang nililinis ang mesa. Tumango lang si Carlos. “Nabanggit niya sa akin na may mga naging barkada pala kayo sa ampunan… dad, may balita pa po ba kayo sa kanila? Bakit hindi nyo sila imbitahan dito minsan para makilala ko naman?” saad ni Arah. Narinig niyang bumuntonghininga ang ama. “Matagal na akong walang balita sa kanila.” “Ganun po ba, sayang naman. Diba sabi nyo may naging matalik kayong kaibigan? Tumira din po ba siya kasama niyo sa bahay ampunan?” Saglit na natahimik si Carlos bago sumagot. “Oo pero matagal na siyang wala.” Magsasalita pa sana si Arah nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya yun at nakitang si Renz ang
Last Updated : 2026-07-03 Read more