“Mrs. Aragon.” bati ni Arah.Mahinang tumawa si Cacai.“Ang pormal naman, hindi ako sanay. Cacai na lang.” sabi nito habang nakangiti.Napangiti na rin si Arah dahil nakakahawa ang sigla ng kaharap niya.“Sige. Eh di Arah na lang ang itawag mo sa akin.” nakangiting aniya.“Sige.” maaliwalas ang mukhang sabi ni Cacai.Napatingin si Arah sa mga natutulog na bata sa loob ng stroller.“Ang gaganda…” hindi niya napigilang sabihin. Pansin din niyang malaki ang pagkakahawig ng mga bata sa ama ng mga ito. Hindi maitatangging dugong Aragon.Napaisip tuloy si Arah. Siya kaya kapag nagkaanak, kasing ganda din kaya ng mga batang ito? Pangarap pa naman niyang magkaroon ng sariling pamilya. Pero kung magkakaanak siya sana ay ganito rin kagaganda. Well, gwapo naman si Renz at malaki ang pagkakahawig nila ni Leon kahit noong mga high school pa lang sila. At yung mga anak ni Leon, medyo hawig din kay Renz. Napangiti si Arah. Siguro kapag nagkaanak silang ni Renz siguradong kamukha rin ng mga batang
Last Updated : 2026-07-03 Read more