Pagdating sa silid nila ay pinauna niyang magshower si Nicole. Pansin kasi niyang inaantok na ito bukod sa tila malalim na naman ang iniisip nito. At nang makatulog si Nicole ay magpasya siyang lumabas muna ng silid si Arah. Nagtungo siya sa labas upang doon tumawag sa telepono. Una niyang tinawagan ay ang kanyang ama para kumustahin. At nang masigurong ayos lang ito ay si Jonas naman ang tinawagan niya. Nangumusta lang siya tungkol sa trabaho. Pero gaya ng dati ay kung saan saan na naman nauwi yun. “Katatapos ko lang kumain ng goto sa pwesto ni kuya Mario.” pagkukwento ni Jonas. Ang tinutukoy nito ay yung tungkol sa gotohan na paborito nilang puntahan. “Mabuti ka pa. Kami dito, dyetang dyeta. Puro salad.” nakasimangot na sabi ni Arah. “Di ba bukas na ang final? O isang araw na lang pwede ka ng lumafang.” ani Jonas. “Kahit pa, nagkwento ka pa kasi, ayan bigla tuloy akong natakam. Mamaya, sasaktan ako ng tiyan nito.” “O eh di lumabas ka, malapit lang naman yun kung
Last Updated : 2026-07-13 Read more