Krystal Hindi ko alam kung bakit... pero pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Conor, pakiramdam ko ay may kung anong nabawas sa bigat na matagal ko nang dinadala. Parang may invisible na tinik na nabunot sa dibdib ko. At some point, meron akong peace na naramdaman dahil kay Conor. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na meron ako sa loob ko, yung kakaibang feeling na nararamdaman ko para kay Conor. This is so unusual but for me it’s also familiar. Kaya nagtataka rin ako sa mga bagay na nararamdaman ko dahil ngayon pa lang naman kami nagkakilala ni Conor pero ganito na ang nararamdaman ko. “Nababaliw ka na talaga, Krystal… sa kakahanap mo ng sagot, ganito na ang pakiramdam mo…” bulong ko sa sarili ko. But truly, he’s easy to work with, sa ilang araw lang naming magkasama, I feel like napakaraming bagay na ang alam ko sa kaniya. Pakiramdam ko alam ko na ang mga bagay tungkol sa kaniya kahit hindi pa niya sinasabi. It feels like my body knows him already, but it’s not cle
Dernière mise à jour : 2026-06-27 Read More