KrystalDumating din ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang grand opening ng Aurelius Cove, ang proyektong halos ilang linggo rin naming puyatan at pinaghandaan ng buong team.Mula pa lang madaling araw, punong-puno na ng tao at sunod-sunod na ang dating ng mga luxury vehicles sa main entrance ng resort. Napakaraming malalaking pangalan ang imbitado mga kilalang negosyante, foreign investors, sikat na celebrities, pati na rin government officials at influencers. Siyempre, hindi rin mawawala ang iba't ibang media companies para sa live coverage at press conference ng event.Sa bawat sulok na lingunin mo, may mga camera, reporters, at photographers. Sobrang ganda ng kinalabasan ng resort na ako mismo ang tumulong magdisenyo, pero sa likod ng karangyaang iyon, ramdam ko ang unt-unting paggiba sa katahimikan ng puso ko.Huminga ako nang malalim habang nakatayo sa VIP reception area. Suot ko ang isang simpleng champagne-colored formal dress na ako mismo ang nagdisenyo, maayos ang pagkaka
Last Updated : 2026-06-30 Read more