KRYSTAL"Ah!"Napasinghap ako nang napakalakas, kasabay ng aking mabilis na pagkamulat ng mga mata mula sa malalim na gunita.Hindi... hindi iyon isang simpleng panaginip o gawa-gawa lang ng aking imahinasyon. May nakita talaga ako. May isang tunay at buhay na alaala ang opisyal na bumalik sa akin sa mga sandaling ito!"Krystal!"Mas lalong luminaw ang aking paligid, nawala ang static ng aking pandinig. Nasa gitna pa rin ako ng malawak na lobby ng Aurelius Cove, sa tapat ng elevator. Nakahawak pa rin si Conor nang mahigpit sa aking magkabilang balikat, ang kaniyang mukha ay halos mag-collapse sa tindi ng pag-aalala at kaba habang nakatitig sa akin."Krystal, sumagot ka, are you okay? Anong masakit sa 'yo?" kabadong-kabado niyang tanong, nanginginig ang kaniyang boses.Huminga ako nang mabilis at mababaw, pilit na hinahabol ang aking hangin. Hindi ko alam ang tamang isasagot sa kaniya. Nanginginig ang buong katawan ko, at ang puso ko ay nagpapakawala ng isang napakatinding bilis ng ti
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-06-30 อ่านเพิ่มเติม