Conor For a moment, I stopped.Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya nang hindi binabasag ang marupok na kapayapaang mayroon kami sa mga sandaling ito. Ang kaniyang mga mata, na kanina lang ay puno ng kuryosidad, ngayon ay nag-aabang na parang isang hatol ng hukom."Naging tayo ba?"Simple lang naman ang tanong niya, pero para sa akin... iyon ang pinakamahirap sagutin sa buong pitong taon ko na nabuhay nang mag-isa.Hindi dahil ayaw kong sabihin ang totoo. Kundi dahil natatakot akong kapag sinabi ko agad ang lahat ng detalye, ang tindi ng pagmamahalan namin, ang lihim na kasal, at ang trahedya baka mabigla ang kaniyang sistema. Baka pilitin ng utak niya na alalahanin ang mga bagay na hindi pa handa ang isip niyang balikan, at mas lalo lang siyang masaktan.Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay niya ang sagot ko, ramdam ko ang mabigat na paghinga niya. Nakahawak ang kaniyang nanginginig na mga daliri sa tasa ng kape, pero halatang wala na roon ang a
Last Updated : 2026-06-30 Read more