Shane'd Pov. Nandito na ako sa bahay kakauwi ko lang galing sa mansion nila Rhiann. Excited na kaya ako para sa party. Excited na rin akong makarinig ng papuri dahil sa galing namin sa pagdedesinyo hehehe charot lang. Umupo muna ako sa sofa para magpahinga saglit, mamayang alas-singko pa naman magsisimula, eh. 'Tsaka, may kukutusan ako ngayon hehehe. Speaking of him nakita ko siyang pababa ng hagdanan, mukhang kakagising niya lang, ah. Nagpuyat ba siya kagabi? Bakit na naman kaya? Dumeretso siya sa kusina, sinundan ko naman siya at naabutang naghahanda si Manang para sa lunch namin. Nakita ko siyang nag-open sa ref at kumuha ng tubig. Sinusundan ko lang ng tingin ang bawat galaw niya. Mapagtripan nga 'tong kuya kong baliw. Baliw na baliw ba naman sa kaibigan ko. Well, masasabi kong deserve niyang maging baliw. Tarantado kasi siya five years ago eh. Ano kaya magihing reaction niya mamaya kapag nalamang buhay ang kinabaliwan niya? Maya-maya umupo siya sa mesa saka nagtatakang
Read more