Rhiann's Pov.Kumakain na kaming lahat habang umalingaw-ngaw ang malakas na tunog ng music sa buong paligid. Masayang-masaya kaming lahat habang kumakain, nagkwekwentuhan at asaran."Ikaw Jake, kailan ka pa manligaw kay, April?" biglang tanong ni Tob kay Jake. Nakita kong napaiwas nang tingin si Jake habang napayuko naman si April sa hiya. Namumula ang mga pisnge niya. Pangiti-ngiti lang kaming nakikinog sa usapan."Baka sabihin ninyo na naman na wala pa kayong balak mag jowa? Eh, nakita ko nga kayong magkaholding hands kanina, eh." Pang-aasar pa ni Kevin na mas lalong nagpapula sa mukha ni April.Napangiti nalang ako. "Uy! Kayo, ah!" panggagatong pa ni Kath sa asaran."Nagkakamabutihan na pala kayo. 'Di niyo naman sinabi sa 'min," kunwaring tampo na sabi ni Aya na ikinatawa namin."Oo nga, aminin niyo na kasi!" pang aasar pa ni Tom saka sinundot-sundot ang tagiliran nu Jake. Napangiti na lang ng bahagya si Jake dahil sa mga kaibigan namin. "Next time, we will say it. It's not our
Read more