Rhiann's Pov. Araw na ng Lunes ngayong at papasok na naman ako sa work. Kahit nakakapagod kailangan ko pa ring pumasok. Tinatamad kasi ako ngayon at parang ayaw kong lumabas ng bahay. Agad na lang akong naligo pagkatapos nagbihis. Naglagay lang ako ng pulbo at red lipstick pagkatapos bumaba na. Naabutan ko sina Mom and Dad sa dinning area. Wala si Kuya ngayon dahil nagbyahe na siya kagabi papuntang U.S., tuwing weekend na lang siya uuwi rito sa bahay. "Good morning, Mom and Dad!" bati ko sa kanila saka umupo na rin para kumain. "Good morning, anak!" bati nila. "Papasok ka ngayon, ‘nak?" tanong ni Dad. "Yes, Dad." I pouted. They both laughed at me, acting like baby. "Sabi mo kahapon pagod ka?" takang tanong ni Mom. "Hmm... okay lang, Mom. Kaya ko naman, eh," nakangiting sabi ko. "Okay, but if you can't. P’wede naman sa ibang araw ka na lang papasok sa kompanya." Nakangiting sabi pa ni Mom. "I'm pretty sure, Mom. Kaya ko pa." Ngiti kong sabi. Tumango lang sila saka na
Read more