Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“But he’s my brother, Mom. Hindi naman natin siya puwedeng iwan,” giit ni Killian.Halata na sa kaniyang boses na nababahala na siya, at hindi mapakali. Kaya naman mabilis ko siyang nilapitan, at inabot ang kaniyang kamay para sabihin sa kaniya na nandito lang ako, at hindi ako aalis.Na kahit may problema silang kinahaharap ngayon, mananatili akong nandito sa tabi niya, at hindi siya iiwan nang basta-basta.“I know. Pero si Malachi na mismo ang nagsabi na siya na ang bahala sa lahat, and we should trust him.”Umiling si Killian, at napansin kong pinadasahan niyang muli ang kaniyang buhok, at napahugot nang malalim na hininga.Naudlot ang aming dinner, dahil sa nangyari, at kung ipagpapatuloy namin ang dinner namin, alam kong hindi kami makakakain nang maayos.Mas mabuti pa talagang pagtuunan namin ng pansin ang tungkol sa bunso nila, at alam kong gusto nilang magpunta roon, pero hindi puwede.Maaaring may mag-abang sa kanila kung sakali, at ‘yon
Magbasa pa