Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Wala pa po bang balita kung nasaan na po sila?” tanong ko kay Tita nang makarating ako sa living room.Si Tita lang ang nandoon, at seryoso siyang nakatingin sa TV, habang sumisimsim sa kaniyang kape.Nang marinig niya ang aking naging tanong, at naramdaman niya ang aking presensiya, mabilis siyang lumingon sa aking gawi.“Nandoon pa rin sila ngayon sa headquarters, hija,” sagot ni Tita, at ibinaba naman ang kaniyang tasa sa center table. “Halika muna, magmeryenda ka muna saglit.”Humugot ako nang malalim na hininga, at kaagad na lumapit ngayon kay Tita. Hindi ako nagsalita, pero ramdam ko ang tingin na ipinupukol niya sa akin ngayon.Halatang nag-aalala siya, pero pareho naman kaming walang magawa lalo pa’t hindi naman kami puwedeng umalis nang basta-basta, dahil nga delikado.Kung puwede lang sana, kanina ko pa ginawa. Pinipigilan ko lang din kasi talaga ang sarili ko, dahil hindi ko naman kayang protektahan ang sarili ko.“Anong oras po kaya s
اقرأ المزيد