Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Tita,” humahagulgol kong sambit nang salubungin ako nito ng yakap. “Tita, si Killian. Naiwan po siya roon.”Hinaplos ni Tita ang aking buhok, habang patuloy lamang ako sa paghagulgol.Dumiretso kami rito sa bahay nila, at kanina pa hindi tumitigil ang luha ko kahit pilit na akong pinakakalma ni Tita.I just don’t get it. Puwede namang umalis na lang kami ni Killian kanina nang sabay. Pero bakit kailangan niyang maiwan?Nandoon naman ang mga tauhan niya para harangan ang mga kalaban. Kaya bakit? Bakit kailangang ako lang?“Mom, babalik ako,” sambit ni Aziel na siyang nagpaiyak lamang sa akin lalo. “Baka kailanganin ni Kuya ng back up, Mom.”“Ako na lang ang pupunta—”“Dad, no. Mas kailangan ka nina Mommy, at Ate.”“Delikado, Malachi,” pigil ni Tita. “May mga tauhan naman na kaming ipinadala roon. Besides, alam kong kaya ni Adler ‘yon.”Napalunok ako, dahil halata sa boses ni Tita na malaki ang tiwala niya kay Killian.Lumambot kasi ang boses niya
Read more