Sandra’s POV “Ayos! Itatago ko ito, ipapa laminate ko tapos ipapa frame! Siguruhin niyong susunod kayo sa deal ah?” “Oo na! Bw*sit ka mukha ka talagang pera!” Pabiro ko siyang binatukan. “Aba, lifetime client ko ang Allure at Luscious Layers, siguradong buhay na buhay ang business ko nito.” Natawa na lang kami ni Rowan sa kanya. “Thanks for all your help, Treb.” Inilahad ni Rowan ang kamay niya at tinanggap naman iyon ni Treb. “Thank you din dahil hindi mo ako nilagutan ng hininga kahit alam kong pikon na pikon ka sa mga acting ko.” Nakangisi niyang sabi, “Ito kasing si Samarah sinasabihan akong lalaan yung acting kapag nagseselos siya kay Sandra eh,” pambubuko niya sa akin. Lumingon sa akin si Rowan at pinaningkitan ako ng mata, “So ikaw pala ang salarin.” Nag-iwas ako ng tingin at hinaplos ang pader, “Wow, ano ‘to pader? Ang ganda ang smooth.” Nang matapos kami doon ay dumiretso kami sa Mansyon. Ipinapatawag kaming lahat ni Lola. Kailangan daw ay kumpleto ang lahat
Baca selengkapnya