Samarah's POV “Why didn’t you side with your daughter?” Pareho na kaming nakahiga sa kama nang bigla niyang itanong iyon. “Huh? Kailan?” Narinig niya ba kami? “Kanina, kay ate Gab.” Patay, mahaba habang diskusyon na naman ito, hay… “Syempre ayokong mag away kami. Kilala mo ang ate mo, at kilala mo rin ako. Kapag pinatulan ko siya sasabog kaming dalawa.” Kunot na kunot ang noo niya. Medyo matagal din bago siya sumagot ulit, “Kaya okay lang na maging unfair ang lahat kay Ferlyn basta hindi kayo mag away ni Ate Gab?” Grabe yung pangungunot ng noo niya sagad na sagad. “Hindi naman sa ganon, kaso kasi, alam mo naman… hehe.” Anong klaseng sagot iyon Samarah? Kakainin ka ng buo nyan! “Kahit pa mag away kayo alam mo naman na ikaw pa rin ang kakampihan ko hindi ba? Ayoko na— lambot… hehe.” Ipinatong ko ang kamay niya sa dibdib ko. Bigla siyang napangiti at parang nareset bigla ang utak niya. “Ano nga yung sinasabi mo kanina?” Napaka rupok niya, juicecolored! “Sabi ko ano, ca
Read more