“Hindi pala tama iyong una kong sinabi,” natatawang sabi ni Winona. “Mas bagay sigurong sabihing finally nakuha mo na ang gusto mo.”Bahagyang naningkit ang mga mata ni Sven.“Nag-aalala lang ako na baka mapahamak siya.”Agad namang sumagot si Winona, “Kahit ano pang dahilan, ang punto pa rin naman doon, sobrang importante niya sa ’yo.”Narinig iyon ni Assistant Victor kaya kusa itong nagsalita.“CEO Ferrer, ako na pong aakyat para tingnan.”Tumango muna si Sven, pero mayamaya umiling din.Pagkatapos ay bumaling siya kay Winona.“Pag-uusapan na lang natin mamaya ’yong details.”“Okay.” Natatawang umiling si Winona. “Bilisan mo na. Kung ako sa ’yo, aamin na ako nang maayos.”Mukhang masaya talaga ito para sa kanya.Tutal... sa wakas namulaklak na rin ang old tree na tulad ni Sven.Pagkababa ng tawag, agad tumayo si Sven at naglakad papunta sa elevator.Samantala... pagkatapos ng initial shock, mabilis ding kumalma si Nevaeh.May malamig na pangungutya sa mukha niya habang
Read more