Maagang dumating si Manang Karen sa ospital dala ang bagong lutong lugaw na magaan sa tiyan at bagay sa kondisyon ni Nevaeh. Tahimik na kumakain ang dalaga habang nakasandal sa kama, ngunit paminsan-minsan ay napapalingon siya sa direksyon ng sofa.Naroon si Sven, kasalukuyang nasa isang video conference.Kahit simpleng nakaupo lamang ito habang nagtatrabaho, mahirap alisin ang tingin sa kanya. Dahil sa maayos nitong tindig, seryosong ekspresyon, at natural na elegance, lalo itong nagmumukhang kahanga-hanga at kaakit-akit. Ang bawat kilos nito ay may taglay na kalmadong awtoridad na tila nakaukit na sa kanyang pagkatao.Matapos maubos ang lugaw, kinuha ni Nevaeh ang kanyang cellphone at binuksan ang group chat ng production team.Agad siyang sinalubong ng sunod-sunod na message.Nagbunyi ang lahat dahil lampas isang bilyong views na ang kanilang short drama. Dahil dito, nakatanggap siya ng dalawampung porsiyentong bonus share. Halatang masayang-masaya ang buong team, at si Sean mi
Read more