Kahit malakas ang tugtog sa bar, rinig na rinig pa rin ng mga tao sa katabing private booth ang usapan nila.Sa gitnang sofa, nakaupo ang isang lalaki na nakasuot ng high-end custom suit. Malinis at guwapo ang mukha nito, pero malamig tingnan, at may natural itong eleganteng aura na parang mahirap lapitan. Nang marinig niya ang pangalan ni Nevaeh mula sa kabilang booth, bahagyang kumunot ang noo niya habang iniisip kung nandito nga ba talaga ito.Agad inilabas ni Sven ang cellphone niya at chineck ang Viber, pero walang kahit anong message mula kay Nevaeh. Simula noong nangyari ang issue dati, nakasanayan na ni Nevaeh na mag-update sa kaniya kapag lumalabas ito dahil mabait at masunurin naman talaga itong babae.“Sven, anong iniisip mo diyan?” natatawang tanong ni Sean. “Kung ayaw mong mag-invest sa project na ’to, ako na lang.”Malamig siyang sinulyapan ni Sven bago diretsong nagsalita.“Sinong may lakas ng loob na magpapainvest sa ’yo nang hindi natatakot malugi?”Biglang nagta
Read more