SABRINA DE VERA'S POV Wala na akong maisip na paraan upang mapigilan ang pagpatak ang luha ko. Dahil sa likod lamang ng napakalaking pintuan ng simbahan ay naghihintay ang lalaking pinakamamahal ko. Mahigpit kong hinawakan ang bouquet sa aking mga kamay habang nakatayo sa harap ng malaking pinto. The wedding gown felt heavier now. Not because of its weight. But because of what it meant. This was real. Everything was finally real. Nang maramdaman ko ang marahang paghawak sa aking kamay ay agad akong napalingon. Nakita ko si Daddy. Nakasuot ng maayos na itim na suit. Tahimik lamang siyang nakatingin sa akin. "Tahan na," banat niya na ikinalaki ng ngiti ko. "I'm not even crying, dad..." asik ko. Tumaas ang isang kilay niya. "Really? Then what do you call that liquid thing on the corner of your eyes?" usal niya, hindi pa siya nakuntento sa pagtanong niya at itinuro niya pa talaga ang mga mata ko. Napasimangot ako. Napailing siya bago marahang pinisil an
Read more