HECTOR VALDERAMA'S POV Tahimik ang buong opisina. Tanging tunog ng air conditioner, pagtipa ng keyboard sa labas, at ang marahang paglagda ko sa mga dokumento ang maririnig sa loob. Isa-isang dumadampi ang tinta ng fountain pen ko sa bawat pahina. Contract. Financial reports. Project approvals. Halos hindi ko na kailangang basahin nang buo ang ilan sa mga ito dahil na-review ko na kagabi. Sa tapat ko naman ay nakatayo ang secretary ko, si Maeve. "Sir, your two o'clock meeting with the Singapore investors has already been confirmed." Hindi ako umangat ng tingin. "Good." Lumagda ako sa isa pang dokumento. "At four-thirty, mayroon pong online conference with the legal department." "Hm." Nagpatuloy siya. "Then, the revised proposal for the East Harbor Project will be delivered before five." "Leave it on my desk." "Yes, sir." Isa na namang papel ang pinirmahan ko. Hindi man lang ako tumingin sa kanya. Sanay na kami sa ganitong sistema. She talks.
Read more