SHANIA'S POV "Good morning, Ma'am..." masayang salubong sa akin ni Klara ng magtagpo kami sa lobby. "Good morning, Klara. May meeting ba si Hector ngayon?" tanong ko. Umiling siya at kunuha ang hawak kong bag at siya na ang nagdala niyon. "Kung makaalalay 'to... hindi naman ako lampa ano?" reklamo ko pero umiling lang siya at dinala ako sa isang private room. Kung saan madalas akong tumatambay kapag dinadalaw ko si Hector sa opisina niya. "May gusto kayo, Ma'am? Like drinks or food--" "Huwag kana mag-abala. Busog pa ako. Kumain na ako bago ako pumunta dito," saad ko. Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya tumango nang sunod-sunod. "Sige po. Sasabihin ko lang kay Sir na nandito po kayo," sambit niya. "Okay," nakangiti kong sagot at pagkatapos niyon at tumalikod na siya at umalis.Napatingin ako sa kabuuan ng silid.Ilang beses na akong nakadalaw sa opisina ni Hector, pero madalas ay diretso na ako sa executive office niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga mai
Read more