EVORIE EVE“Mommy, where have you been?” agad na salubong sa amin ni Ginger pagkarating namin sa pool area ng billionaire yacht.Napadako ang tingin ng limang babae sa amin na kanina ay abala at maingay na nagkukuwentuhan sa gilid ng pool. They are all wearing their bikinis at may kanya-kanyang hawak na kopitang may lamang alak.“Nangisda lang kami ng mommy mo, Ginger,” pagsisinungaling naman ni Alistair.Nakangiti akong napatingin sa kaniya. Napakindat lamang siya sa akin.“Eh, nasaan po 'yung fish?” ani ng bata.“Ayun, pinaluto na namin,” si Alistair muli ang sumagot at tumuloy na kami sa paglalakad.Doon ako dumiretso sa sunbathing bed. Pagkaupo ko, napatingala ako sa napaka-asul na langit. Masakit na rin ang sikat ng araw sa balat kaya kailangan kong magpahid ng sunscreen.“Ako na, baby,” agad na alok ni Alistair.Ibinigay ko na lang sa kaniya ang sunscreen lotion na agad niya namang inabot.“Mukhang nag-enjoy kayo sa pangingisda,” ani Paula.“Malaki ba at mahaba ang nahuli mo, Mi
Baca selengkapnya