Habang tahimik akong naglalakad sa bahagyang madilim at mapunong bahagi ng bangketa malapit sa gilid ng highway, ramdam na ramdam ko na ang matinding pananakit ng aking mga paa at hita. Tatlong oras na ang nakalipas mula nang makatakas ako, walang tigil ang ginawa kong pag-iwas at pagtatago para lamang hindi ako makita ng mga tauhan ni Yshmael na panay pa rin ang ikot sa kalsada, hinahanap ako. Pero sa gitna ng pag-iingat ko, isang malakas na braso ang biglang pumalupot sa baywang ko mula sa likuran. Napasinghap ako sa takot at akmang sisigaw nang agad niyang tinakpan ang bibig ko. Malakas niya akong hinila patungo sa isang makipot na eskinita para tuluyang makapagtago. “Shh... ako 'to, Evie. Huwag kang maingay,” bulong ni Rafael. Sapo-sapo ang kaba sa dibdib, wala akong nagawa kundi manatili sa tabi niya dahil wala na rin naman akong ibang mapagpipilian. Pagkabitaw niya sa akin, nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Doon ko lang napansin na may bitbit pala siyang pa
Baca selengkapnya