LovebirdsChapter 68Celine’s POV“Naku girls, mas excited pa yata tayo sa ikakasal,” natatawa kong sabi kina Carol at Rhen habang isa-isang sinusukat ng mga stylist ang mga gown na pagpipilian namin para sa nalalapit na kasal nina Ethan at Romi.Punong-puno ng kasiyahan ang boutique. Kung tutuusin, hindi naman kami ang ikakasal, pero para kaming mga bridesmaid na unang beses na makakadalo sa isang engrandeng wedding.“Minsan lang ito, kaya itodo na natin,” sagot ni Rhen habang umiikot sa harap ng salamin para tingnan ang sarili.“Hindi ba talaga puwedeng sumama ang mga bagets?” casual na tanong ni Carol.“Hindi eh. Para daw ma-enjoy ng mga adult ang wedding,” sagot ko.“Ganyan na talaga noh? Itsapuwera na lagi ang mga bata sa kasal,” reklamo ni Rhen.“Okay na rin iyon. Para walang batang mag-iiyakan at magta-tantrums dahil naiinip na.”“Masaya kaya kapag may mga bata,” natatawang kontra ni Carol.“Talaga ba, Carol?” Sabay taas ko ang kilay.Nagkatinginan kami bago sabay-sabay na nagt
Magbasa pa