Finding SecretaryChapter 70Celine’s POVDumaan muna ako sa opisina ko sa HCAF. Pagkapasok ko pa lang sa lobby, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng blueprint paper, kahoy, at bagong imprentang architectural plans. Sa kabilang bahagi naman ng opisina ay abala ang mga architects at designers sa harap ng kanilang mga computer, habang ang ilan ay nakapaligid sa conference table at pinag-uusapan ang mga bagong proyekto.Napabuntong-hininga ako.Sa dami ng kasalukuyan naming residential, commercial, at mixed-use projects, hindi puwedeng mawalan ng assistant ang managing architect. Lalo na ngayong wala na si Romi.Siya ang nagsasaayos ng schedule ng lahat ng client meetings ko, nag-oorganisa ng project files, nakikipag-coordinate sa contractors, suppliers, at consultants, pati na rin sa pag-follow up ng permits at iba't ibang dokumentong kailangan sa bawat proyekto.Ngayong wala siya, halos ako na ang gumagawa ng lahat.Pagpasok ko sa opisina ko ay agad kong nakita ang makapal na s
Magbasa pa