PANAY ang lakad ni Kyle habang nasa harapan sila ng delivery room. Manganganak na si Loyalty. Kumpleto sila sa labas at naghihintay sa paglabas ng doktor.“Kyle, bakit hindi ka na lang umupo? Nahihilo na ako sa pabalik-balik mong lakad. Kung buhangin lang ang nilalakaran mo, siguro pinong-pino na ‘yan…” sabi ni Margarita sa kanyang apo.“Grandma, huwag niyo na po akong tuksuhin. Excited lang po ako sa pagdating ng anak ko. At labis akong nag-aalala kay Loyalty baka nahihirapan siya sa loob,” sagot ni Kyle, habang hindi maalis ang tingin sa pinto ng delivery room.Tahimik lang si Felicity na nakikinig sa mag-lola. Nakangiti siya nang bahagya, ngunit halata rin ang kaba sa kanyang mukha. Lumapit siya kay Kyle at hinawakan ang braso nito.“Kyle, kumalma ka muna. Malakas si Loyalty, kaya sigurado akong kakayanin niya. Huwag kang mag-alala, lalabas din sila nang ligtas at pareho silang magiging maayos,” mahinahong sabi ni Felicity.Tumango si Kyle, huminga nang malalim, at pinilit na humup
Read more