Share

Chapter 129

Author: RIDA Writes
last update publish date: 2026-07-30 23:50:42

NARINIG ni Wella ang mahinang paghikbi ng anak. Mas lalo niya itong niyakap.

"Hindi ko gugustuhin na akuin mo ang lahat ng sisi, anak. Kung may isang taong dapat kong hangaan, ikaw iyon. Bata ka pa pero isinugal mo ang sarili mong kaligayahan para lang matulungan ang pamilya natin."

Napailing si Loyalty.

"Pero ang sakit pa rin, Inay. Akala ko kaya kong sundin ang usapan nang walang mararamdaman. Akala ko kapag naibigay ko na ang baby, magiging okay na ang lahat."

"Hindi ganoon kadali iyon,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 129

    NARINIG ni Wella ang mahinang paghikbi ng anak. Mas lalo niya itong niyakap. "Hindi ko gugustuhin na akuin mo ang lahat ng sisi, anak. Kung may isang taong dapat kong hangaan, ikaw iyon. Bata ka pa pero isinugal mo ang sarili mong kaligayahan para lang matulungan ang pamilya natin." Napailing si Loyalty. "Pero ang sakit pa rin, Inay. Akala ko kaya kong sundin ang usapan nang walang mararamdaman. Akala ko kapag naibigay ko na ang baby, magiging okay na ang lahat." "Hindi ganoon kadali iyon," sagot ni Wella. "Siyam na buwan mong inalagaan ang bata sa sinapupunan mo. Kahit alam mong hindi sa'yo siya, minahal mo pa rin siya bilang isang ina." Napayakap si Loyalty sa kanyang ina. "Natatakot ako." "Sa ano, anak?" "Baka makalimutan ko ang mukha niya." Napaluha si Wella. "Hindi mo makakalimutan ang anak mo. Maaaring hindi ikaw ang magpapalaki sa kanya, pero habang buhay mong maaalala ang araw na isinilang siya." Tahimik na tumango si Loyalty. "Umaasa lang ako na magiging masaya s

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 128

    NAIUWI na nina Kyle ang bagong baby nila. Hindi ganap ang saya niya dahil wala si Loyalty. Hindi nila kasama ang dalaga. “Ang guwapo talaga ng anak natin, hon. Ang tangos-tangos ng ilong niya. Ang puti niya parang kutis mo talaga,” sabi ni Felicity habang pinagmamasdan ang mukha ng baby na nakahiga sa kuna. Nag-angat ng tingin si Kyle sa mag-ina. Pilit siyang ngumiti pero hindi maitago ang lungkot sa kanyang mga mata. "Mana rin sa'yo ang mga mata niya," mahina niyang sabi. Ngumiti si Felicity. Dahan-dahan niyang hinaplos ang maliit na kamay ng sanggol. Sa isip niya, ang sarap sa feeling niya na mayroon silang bagong baby sa mansyon. Hindi man sa kanya galing ang bata at hindi niya kadugo ay para sa kanya tunay na anak niya pa rin ang anak nina Loyalty at Kyle. "He's perfect..." Tahimik na lumapit si Grandma Margarita. Napangiti rin siya nang makita ang kanyang apo sa tuhod. "Malaki ang paglaki ng batang ito. Sigurado akong magiging mabuting lalaki siya balang araw." Tumango s

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 127

    NAPATITIG si Kyle sa anak niya. Hindi niya gusto ang ganitong pamamaalam. Hindi rin niya pa naibibigay ang kabuuang bayad kay Loyalty. “Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. I know we have a contract, pero hindi ganito ang gusto kong mangyari,” mahina niyang sabi. Tahimik lang na nakatingin sa kanya si Margarita. “Kyle, baka iyon ang pinili ni Loyalty para mas mapadali ang pag-alis niya.” Napabuntong-hininga si Kyle. “Hindi niya kailangang tumakas. Kung sinabi lang niya sa akin na gusto na niyang umalis, ihahatid ko pa siya.” “Alam mo namang mahihirapan siyang umalis kapag nagpaalam pa siya.” Napayuko si Kyle. Naalala niya ang huling pagkakataong magkasama sila ni Loyalty sa ospital. Hindi niya inakalang iyon na pala ang huling beses na makikita niya ito. “Hindi pa tapos ang obligasyon ko sa kanya,” seryoso niyang sabi. “May natitira pa akong dapat ibigay. Pinangako ko iyon.” Tahimik na tumango si Margarita. “Hindi lang pera ang inaalala mo, hindi ba?” Hin

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 126

    MABILIS na binuksan ni Kyle ang pinto ng kuwarto ni Loyalty. Pero sa pagpasok niya sa loob ay nagtaka siya. Malinis na ang kuwarto, at naabutan niya na lang ang nurse na pinapalitan ang bedsheets at punda ng unan.“Where is the patient? Loyalty Sarmiento?” tanong niya.Narinig ng nurse ang tanong ni Kyle kaya agad itong humarap sa kanya."Sir, umalis na po siya,” sagot ng nurse. “Kagabi pa po siya umalis, kasama ang kaibigan niya.”Natigilan si Kyle. Nakaalis si Loyalty? Hindi nagpaalam sa kanya. Napalunok siya.Parang may mabigat na bumagsak sa dibdib niya."Nakaalis?" hindi makapaniwalang ulit niya.Tumango ang nurse."Yes, sir. Na-discharge na po siya kagabi. Kumpleto na po kasi ang clearance niya. Kasama po niya ang kaibigan niyang si Carla."Napalibot ang tingin ni Kyle sa buong kuwarto. Wala na ang mga gamit ni Loyalty. Wala na ang maliit na bag nito. Tila ba walang naging bakas na minsang nanatili rito si Loyalty."May iniwan ba siyang mensahe?" halos pabulong niyang tanong.Sa

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 125

    NAGISING si Loyalty sa mga ingay na naririnig niya. Dahan-dahan pa niyang iminulat ang mga mata. Ramdan niya ang sakit ng kanyang buong katawan. Pakiramdam niya nahati ang kanyang katawan sa sobrang sakit, “Ang guwapo naman ng bagong baby… “ naririnig niyang sabi. Sa tono ng boses dama niya ang saya sa nagsasalita. “Of course… he is a Marasigan,” boses iyon ng lalaki. Pilit niyang inaninag ang mga tao sa paligid niya. Agad natuon ang tingin niya kay Kyle na hawak ang baby. Tila napawi lahat ang sakit na nararamdaman ni Loyalty. Napangiti siya, Napangiti siya, kahit mabigat pa ang talukap ng kanyang mga mata. Nilingon siya ni Kyle at agad lumambot ang ekspresyon nito nang makitang gising na siya. "Gising ka na..." mahina nitong sabi. Dahan-dahang lumapit si Kyle sa kama habang maingat na karga ang sanggol. "Nandito siya..." bulong nito. "Ang anak natin." Hindi napigilan ni Loyalty ang pagluha. Isa-isang pumatak ang mga luha niya habang nakatitig sa maliit na sanggol na mahimb

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 124

    TULOG na tulog pa si Loyalty. Payapa ang mukha pero mababanaag ang hirap sa mukha nito dahil sa panganganak.Bumukas ang pinto ng kuwarto ni Loyalty. Pumasok si Kyle sa loob, dala niya ang bouquet ng tulips na bulaklak.Tahimik na isinara ni Kyle ang pinto upang hindi magising si Loyalty. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama nito.Sandali siyang napatigil. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalaga.Maputla pa rin ang mukha nito. Halatang pagod na pagod matapos ang mahabang oras ng panganganak. Bumaba ang tingin niya sa bouquet ng puting tulips na hawak niya.Marahan niya iyong inilapag sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Loyalty."Thank you..." mahina niyang bulong."Salamat sa pag-iingat sa anak namin."Hindi pa rin nagigising si Loyalty. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Napatingin si Kyle sa maliit na baby crib na nasa tabi ng kama. Nandoon ang kanyang anak.Mahimbing ding natutulog ang munting sanggol habang mahigpit na nakakuyom ang maliliit nitong kam

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 2

    MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 1

    "LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Prolouged

    ‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 4

    NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status