Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik. Iyong tipong maririnig maging ang mahinang pagtunog ng wall clock sa sala. Nakahiga si Kianna sa kanyang kama habang nakatitig lamang sa kisame. Hindi siya inaantok. Sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata, iisa lamang ang mukha na lumilitaw sa kanyang isipan. Si Preston, ang malamig nitong ekspresyon. Ang paraan ng pagtanggi nito sa kanyang proposal. Ang mga matang wala nang kahit katiting na pagmamahal habang nakatingin sa kanya. Parang sirang plaka ang eksenang paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isip. At sa bawat pagbabalik ng alaala, tila muli siyang sinasaksak sa dibdib. Napapikit siya, masakit pa rin, sobrang sakit. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at binuksan ang bedside drawer. Naroon pa rin ang maliit na velvet box, sa loob niyon ay ang singsing. Ang singsing na binili pa niya sa kanyang ipon, na masusi niyang pinili. Ang singsing na dapat sana'y magiging simula ng bagong kabanata ng kanilang buhay. Ngunit nga
Read more