"Drake! Nandito na kami." Narinig nilang sabi ng isang lalaki. "They're here," Drake said with a smile. Tipid na nginitian ni Kianna ang binata pagkuwa'y tumango. Binalingan naman niya ang puting van, nakita niya ang mga kaibigan nito at kung hindi siya nagkakamali, ang mga lalaking iyon ang nakilala niya sa host club. Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at hinila siya palapit sa mga ito. "Anong mayron at kumpleto yata kayo?" tanong ni Drake na sinilip pa ang loob ng van. "Actually, nauna nang dumating dito sina Zander at Ellis, hindi ninyo ba nakita?" sabi ni Hideo. Umiling naman ang binata. "Hindi ko sila napansin, baka nag joyride na naman ang dalawang iyon." komento ni Drake. "Nah, siguro nga." anito. "Here, full tank yan." Muling wika ni Hideo na inabot kay Drake ang isang galon na may lamang gasolina. "Thanks, Kaichou" nakangiting sabi ni Drake. "Wala yun, by the way, sumunod na lang kayo sa resort ni Sean." Anito. "Bakit? Anong mayron?" "Nagk
Magbasa pa