Nian's POV "Ate Nian!" tili ni Nani nang makita ako sa pintuan. "Mama, andito si Ate Nian!" Niyakap ko nang mahigpit ang kapatid ko bago pumasok sa loob. Naiwan naman sa labas ang driver ko sa sasakyan—este, ang boss ko pala. "May pasalubong akong pagkain, tingnan mo," sabi ko at inilapag ang hawak na paper bag sa maliit naming lamesa sa sala. "Nian, buti napayagan kang umuwi? Tapos na ba ang trabaho mo?" si Mama, pinupunasan ang kanyang basang kamay sa basahan. Lumapit ako sa kanya at yumakap nang napakahigpit. "Ay, bakit?" "Ma, bawal ka bang mamiss?" pabirong sumimangot ako, pero ang totoo ay naluluha na ang mga mata ko. Ito talaga ang kailangan ko ngayon. Ang yakap niya. Siya ang gamot sa lahat ng takot na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. "Ilang araw ka pa lamang doon, ah." "Alam niyo namang hindi ako sanay na malayo sa inyo. Kaso kailangan natin ng pera kaya magtitiis na lang muna," sambit ko at humiwalay sa yakap. "Ano ba 'yang mga dala mo?" "Meryenda, Ma. L
Baca selengkapnya