Nian's POV Hays, ang lungkot naman ng gabi ko ngayon. Heto na naman ako ngayon sa dati kong tambayan sa harapan na may poste ng ilaw, nakatitig sa kawalan habang nagpapalipas ng oras. Ewan ko ba, pero palagi na lang akong naaabutan ni Rein dito sa tuwing ganitong oras ng gabi. "Nawalan ka ba ng dalawang limang daan at ganiyan ang hitsura mo riyan?" biro niya habang papalapit sa akin. Nairita ako nang bahagya. Mababaliw yata ako nang tuluyan kapag totoong nawalan ako ng pera. "Hays," isang malalim na buntong-hininga lang ang isinagot ko sa kaniya. "May problema ba, Nian?" seryoso na niyang tanong sabay upo sa tabi ko. "Si Nanay kasi, eh. Pinipilit niyang bumalik na sila sa luma naming bahay bukas. Ayokong mag-away pa kaming dalawa kaya pumayag na lamang ako," kwento ko sa kaniya. "Ganoon talaga ang mga matanda. Kung saan sila nasanay at lumaki, doon at doon pa rin sila babalik," aniya habang nakatingin sa malawak na bakuran. "Sabagay, may punto ka naman. Ang bahay kasi namin
Baca selengkapnya