Makalipas ang ilang oras, nanatiling gising si Vera. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone, naghihintay ng kahit anong tawag mula kay Brooklyn. Lumipas ang gabi, hanggang sa tila tumilaok na ang manok sa labas, pero wala pa ring mensahe o tawag na dumarating. Kinabukasan… Maagang umuwi si Draven sa mansion. Pagpasok niya pa lang, agad niyang tinawag si Yaya Marie. “Yaya Marie! Paki-check kung umalis na ang mag-ina.” Nagmadaling lumapit ang yaya. “Sir… nasa kwarto pa po sila. Hindi pa po sila umaalis.” Sumimangot si Draven. “Tawagin ang lahat ng tauhan.” Natigilan si Yaya Marie. “Sir…” “Sabi ko, tawagin ang lahat ng tauhan!” mariing ulit ni Draven. “Ipalabas n’yo sila. Ngayon din.” Nagkatinginan ang mga katulong. “Pero sir…” mahinang tanggi ni Yaya Marie. “Wala nang pero-pero!” putol ni Draven, lalong tumaas ang boses. “Paalisin n’yo sila sa mansion!” Nagkatinginan ang mga tauhan, halatang nag-aalangan sa utos ni Draven. Sandaling nanatili ang katahimikan
Baca selengkapnya