Sa Dinner Palace kung saan naroon sina Vera, Yannah, at Brooklyn. "Ang ganda dito, Daddy..." masayang saad ni Yannah habang nakayakap at karga siya ni Brooklyn. Napangiti si Brooklyn at hinalikan ang noo ng bata. "Mas maganda ka pa rin, Yannah," biro niya dahilan para matawa si Yannah. Tahimik namang pinagmamasdan ni Vera ang dalawa. Habang nakatingin sa kanila, hindi niya napigilang mapaisip. "Kung maibabalik lang siguro ang nakaraan, mas pipiliin kong makilala siya kaysa kay Draven..." bulong niya sa sarili. Unti-unti niyang hinawakan ang braso ni Brooklyn. Mainit at matatag ang pakiramdam nito, para bang sa wakas ay may taong handang protektahan siya at ang kanyang anak. "Simula ngayon, hindi na ako matatakot sa kahit sino man. Hindi na ako ang dating Vera na inaapakan-apakan. Ako na ngayon si Vera Villareal... ang Mrs. Villareal." bulong ng isip niya habang nakangiti at nakatingin sa kanyang mag-ama, lalo na kay Brooklyn na itinuring si Yannah na parang sarili nitong anak.
Read more