Nakatitig lang ako sa natutulog niyang mukha habang nagpapaulit-ulit sa tainga ko ang binitawan niyang salita. ‘Kahit may anak na kayo, wala akong pakialam. Kaya ko rin magpakatatay. Mas mabuting tatay kaysa sa kaniya…’Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang yugyugin at sabihing, G*go ka ba? Anak mo 'yun! Si Zeus, anak mo siya! Pero nanatiling nakasara ang bibig ko habang tahimik na nagsisipag-unahan sa paghulog ang luha ko. Ang bigat sa dibdib, naghahalo-halo na ang emosyon ko ngayon. Inis sa sarili, inis sa kaniya, at inis sa naging desisyon ko noon na hindi ko sinabi sa kaniya na siya ang nakabuntis sa akin noon. Buong akala niya ay anak namin ni Ymilio ang bata, pero heto siya't handa pa rin siyang magpakatatay.Siya si Jace na kilala ko sa pagiging pilyo, hindi seryoso sa buhay, at walang alam kundi inisin ako. Bakit bigla siyang naging ganito? Eh hindi naman masyado malalim ang pinagsamahan namin noon.Naramdaman ko ang lalong pagbigat ng kaniyang paghinga. Ang kaniyang yakap,
Baca selengkapnya