Huminga muna ako nang malalim bago ko piniling tapusin ang pag-iisip sa loob ng cubicle. Pinagpagan ko nang kaunti ang suot kong gown, inayos ang aking buhok, at akmang maglalakad na sana patungo sa lababo para maghugas ng kamay nang parang biglang tumalon ang puso ko palabas ng aking dibdib.Paano ba naman, pag-angat ko ng tingin, si Jace ang bumungad sa akin. Nakatayo siya sa tapat ng malaking salamin, pormal na pormal sa kaniyang tuxedo, habang pinupunasan ang kaniyang mga kamay gamit ang isang paper towel. Pareho kaming natigilan at halatang pareho naming hindi inaasahan ang presensya ng isa't isa dito. Awtomatiko akong napaatras ng isang hakbang para sana bumalik sa loob ng cubicle para magtago, kaso…"Why are you here?" tanong niya agad. Walang bahid ng anumang emosyon ang mukha niya pero ang mga mata niya ay nakatitig nang mariin sa akin.Napakurap-kurap ako bago awtomatikong napakunot ang noo ko. Ano'ng klaseng tanong iyon? Nasa banyo kami, ano pa ba ang ginagawa ng tao sa ba
Read more