"Aplastic... Anemia? A-Ano po ‘yun?" tanong ko, halos mamanhid ang buong katawan ko sa sobrang kaba. "Isa itong malubhang sakit sa bone marrow kung saan hindi na nagpoproduce ng sapat na bagong blood cells ang katawan niya," patuloy ng doktor. "Ang ganoong kondisyon ay nagkakaroon ng pabalik-balik at mataas na lagnat dahil bagsak ang kaniyang white blood cells at wala siyang laban sa impeksyon. At kaya siya biglang dinugo sa ilong at nahimatay ngayon ay dahil critical na ang kaniyang platelet count at ubusan na ang red blood cells niya. He's bleeding internally from the inside because of his condition, hindi dahil sa nasuntok siya.”Napatakip ako sa bibig ko, tuluyan nang nanghina at napahagulgol habang si Ymilio naman ay napaatras dahil sa matinding gulat."Doc... p-paanong… bakit umabot sa advanced stage? M-Magagamot naman ‘yan, di ba? Gagaling siya, ‘di ba?" halos nakikiusap ko ng tanong."May mga treatments, pero base sa records niya rito sa amin nitong nakaraang apat na taon, ma
Baca selengkapnya