Peachee Napag-alaman ko rin na baby pa si Sir. Stefan nang mangyari iyon sa Mommy niya, pero gayon pa man, hindi na iyon lingid sa kaalaman niya kahit hindi niya mismong nasaksihan. Ayon sa punong katiwala, lihim ng pamilya ang tungkol sa madilim na nakaraan ng Don, kaya wala ni-isa nagtatangkang bumanggit, sa takot na rin na managot sila kung sakali muli na namang maungkat. Si Manang Agda lang bumanggit dahil gusto niya akong balaan... at sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naapektuhan. "Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Manang Agda nang kasalukuyan na ako naghuhugas ng gulay sa harap ng lababo ng kusina, hindi ko nga namalayan nakalapit na pala siya sa akin. Tumango ako. "Opo, Manang. Matatapos na po ako rito," sagot ko at mabilis ko na ngang hinango mula sa tubig. "Pinatatawag ka ni Sir. Stefan nasa sa salas siya kakausapin ka ata sa magiging sweldo mo." Dumulas pa ang gulay sa kamay ko pagkasabi niya at pagbanggit sa pangalan ng binata nataranta ako, kaya mabilis
Magbasa pa