Peachee Napaawang ang bibig ko nang ilipat ng mga kasamahan kong kasambahay ang mga gamit ko rito sa kwarto ni Sir. Stefan. Tinanong ko sila kung bakit nila inilipat, pero utos daw ng binata kaya wala na akong nagawa pa. Pero iilang gamit lang, karamihan pina-dispose na niya lalo na iyung mga damit nung Zaya, at naiwan lang ang mga damit ng kapatid niya na ipinasusuot niya na sa akin, bukod doon ay wala na... Pati mga luma kong damit, pinagtatapon nina Manang kahit sinabi ko nang wag nila pakialaman pero hindi ko na sila napigilan at napag-utusan nga lang daw sila. Inayos nila sa bakanteng closet ng kwarto ni Sir. Stefan, aligaga ako habang pinapanuod sila. "Nini, ako nang gagawa niyan!" may pakiusap kong sinabi sa isang kasamabahay na nakakausap ko naman paminsan pero hindi talaga nila ako pinapansin. Nang magsalita ang isa na may himig ng inggit sa tono ng boses. "Hayaan mo lang kami dahil kapag hindi namin ginawa ay kami ang pagagalitan, pasalamat ka na lang... na sini
Baca selengkapnya