Raven’s POV“I have all the information of his biological mother, Raven,” puno ng desperasyon ang boses ni Zarina. Hinawakan pa niya ang braso ko ng mahigpit. “Maniwala ka sa akin, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang kausapin lang si Aleron. Ginagawa ko ‘to para sa kaniya, bilang stepmother niya,” dagdag pa niya.Nakuha niya ang buo kong atensyon dahil sa sinabi niya. “Tungkol sa biological mother ni Aleron?” May parte sa akin na gusto ko siyang kuwestyunin kung bakit pati ‘yon ay pinapakialamanan niya pero may parte rin sa akin na gusto kong makita ang mga sinasabi niyang dokumento.Paulit-ulit siyang tumango. “Raven, gusto ko lang na maging ka-close ko si Aleron. Wala akong ibang balak na gawin, pero ang babaeng ‘yan! Ginagamit lang niya si Aleron para makuha ang atensyon mo! Please, maniwala ka sa akin, Raven. Concern lang talaga ako kay Aleron. Hindi ko hahayaang gamitin lang siya ng babaeng ‘yan!” Dinuro niya si Myla na nakatayo lang sa gilid.Kanina pang hindi makatin
อ่านเพิ่มเติม