Raven’s POV “Aleron, Myla…” Tawag ko sa kanila pagkalapit na pagkalapit ko kung nasaan sila. “Sinaktan ba nila kayo?” Halos manginig ang kamay ko nang hawakan ko si Aleron para tingnan ang mga braso, binti, at pisngi niya. Kung p’wede lang na hindi ko siya padapuan sa lamok ay gagawin ko, tapos makikita ko siya ngayong nakatali at nakaupo sa malamig at maruming sahig?! “D-Daddy, natatakot po ako. Sinisigawan nila ako kanina. Sabi nila ay ibebenta pa nila ako sa black market,” sumbong niya sa akin gamit ang basag na boses na mas lalong nagpasikip ng dibdib ko. Isa ‘to sa pinakaayaw kong maranasan ni Aleron. Ang pag-initan siya ng mga kalaban ko, pero hindi ko akalaing mismong kapatid ko ang magpaparanas sa kaniya ng ganito. “It’s okay, baby… I’m here now,” bulong ko at marahang hinaplos ang pisngi niya. Napalingon naman ako kay Myla na nakatingin sa amin. Kita ko rin ang awa niya kay Aleron habang pinapanood niya itong nagkukwento. Isa iyon sa nagustuhan ko sa kaniya. Talagang may
อ่านเพิ่มเติม