Cara"Maselan ang pagbubuntis mo, Miss Valderama," makungkot na balita ng doktor matapos niya akong suriin kanina. Nasa tabi ko si Tyler, nakikinig sa sinasabi ng babae habang halos mawala na ang kuko ko dahil sa sobrang tensiyon na nararamdaman ko habang sinasabi niya iyon. Maselan? Paano? Sabi naman ng doktor noon na maayos ang kalagayan ko at mabilis na mabuntis, tapos ay magiging madali lang ang lahat, kaya bakit biglang naging maselan ang pagbubuntis ko?"Mababaw kasi ang matres mo," may ipinakita siya sa akin na larawan na hindi ko naman naintindihan, pero tiningnan ko pa rin. "Masuwerte ka pa rin at buntis ka, pero kailangan mo pa rin na maging maingat, ma'am." Napakurap ako. Lalo lang gumulo ang lahat. Dapat kasi ay hindi na ako pumunta sa doktor dahil ito lang rin naman ang maririnig ko. Mas sumasakit lang ang ulo ko sa mga nangyayari. Paano kung... Mas hini
Last Updated : 2026-07-15 Read more