Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Hired Wife

The CEO's Hired Wife

Isabella Santos's world revolves around saving her sister Jenny from a rare blood disorder. Working multiple jobs in BGC barely covers the hospital bills. One fateful morning, her trembling hands spill hot coffee on Alexander Del Rosario's ₱50,000 suit. Instead of anger, his eyes hold an intriguing proposition. Xander's mother, Regina keeps arranging matches with socialites he can't stand. When he meets the fiery barista who stands up to him despite her mistake, he sees an opportunity. He offers Isa a one-year marriage contract worth ₱10 million - enough to save Jenny. But their undeniable chemistry challenges the contract's "no feelings" clause. During a company retreat in El Nido, one passionate night changes everything. Their fake relationship starts feeling real until Isa discovers documents linking Del Rosario Industries to her father's death. The shock triggers a panic attack, leading to her hospitalization where she learns she's six weeks pregnant. "Hindi ko kaya 'to. I need to protect my baby from them," she decides, disappearing without a trace. Three years later, fate reunites them at a charity gala. But Xander meets his daughter Sofia, the spitting image of him. "Paano mo nagawa 'to sa akin?" he confronts Isa. Before they can reconcile, and clear out everything, Marco emerges claiming to be Sofia's real father. Regina orchestrates DNA tests and custody battles. Through investigating his father's old records, Xander uncovers Regina's manipulation in destroying the Santos construction company. He confronts his mother: "Pinili mong sirain ang buhay nila dahil lang sa pride mo?!" Meanwhile, Isa faces kidnapping attempts and corporate espionage. The truth about Marco's involvement with rival companies comes to light. During a dramatic confrontation at the Del Rosario's mansion, Xander chooses Isa and Sofia over his empire. "Wala akong pakialam sa company. Kayo ang mahalaga sa akin."
101.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 40 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
The CEO's Forced Love

The CEO's Forced Love

LC Cross
Seigfreid Matthews has been in love with Leyla Jimenez since childhood. Hindi maalala ni Seig kung kailan iyon nagsimula, basta namulatan niya na may nararamdaman para sa nakababatang kapatid ng best friend niya. Seig and Ley practically grew up together, but for some reason, Ley dislikes Sig for his angst and bad boy image. Mas gusto ni Ley iyong lalaki na responsible at mapagkakatiwalaan, katulad ng kaniyang long-time crush na si Emerson Sandoval. In their elementary days, Ley rejected Seig. High school came, Ley hated him more. On their graduation day in college, Ley officially introduced Emerson as her boyfriend. Seig's world collapsed when he heard the news, but that only made him want her more. Call him obsessed, but he didn’t care. He will make her his, and this time, he’ll make sure she will say yes to him. “I now pronounce you, man and wife. You may kiss the bride.” Matatalim na mga titig na ibinabato ni Ley kay Seig. She doesn’t want to be his wife; she only wants Emerson to be the only man she will call her husband. “You should know that I only married for Emerson. Siya ang dahilan kung bakit pumayag akong magpakasal sa’yo. Huwag mong kalilimutan iyan, siya ang mahal ko.” Bawat salita na lumalabas sa bibig ni Ley ay parang mga punyal na tumatarak sa puso ni Seig. He wanted her so much that he doesn’t care if it will make his heart bleed to death. He can deal with the heartaches later. “You can say whatever you want, but you’re my wife now. And I'll make you fall for me.” He smirked as he stole a kiss from her lips, “Deep and hard. Huwag mong kalilimutan iyan, paiibigin kita, Mrs. Leyla Matthews”
102.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 71 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
Euphoria: The Final Boss

Euphoria: The Final Boss

Si Evangeline Yang, kilala sa high-end world ng Ligaya & Adonis bilang Apple Pie, ang pinaka-requested escort—tinaguriang Best Flavor. Pero para kay Eva, hindi ito tungkol sa karangyaan o pagnanasa—isa itong paraan para mabuhay. Ang gabi-gabi niyang bookings ang naging daan para siya'y makatapos ng BSBA major in Marketing, nakabili siya ng studio-type condo unit, at naka pag patayo ng maliit na negosyo para sa kanyang pamilya sa probinsya. Ngunit matapos ang limang taon ng pagtatago sa pangalang hindi kanya, handa na siyang mag-quit. Ang final booking niya: isang weekend sa Euphoria Island kasama ang isang estrangherong basag ang puso. Walang pangalan. Walang expectations. Walang label. Langit sa ilalim ng buwan. Mga halik na masyadong totoo para sabihing trabaho lang. At isang gabing akala nila, kaya nilang iwanan sa isla. Nagkamali sila. Pagbalik sa Maynila, handa na si Eva sa bagong simula-isang lehitimong trabaho sa isang prestihiyosong marketing firm. Pero hindi siya handa sa lalaking naghihintay sa kabilang dulo ng opisina. Gideon Morgan—isang self-made billionaire CEO at charismatic marketing genius—na minsang naniwala at naging bulag sa pag-ibig... matapos siyang paulit-ulit iwan ng babaeng akala niya'y sa kanya. Sa Euphoria, natikman niya ang kalayaang matagal na niyang hinahanap-at ang halik ng babaeng hindi niya malilimutan. Maniniwala na sana siyang hindi totoo ang second chances—hanggang may nagturo sa kanya kung paano muling umasa at buksan ang puso muli. At ngayon, narito ang babaeng 'yon. Sa opisina niya. Bilang kanyang bagong secretary. Sa mundong puno ng power suits, deadlines, at mga lihim na hindi nila sinadyang itago—kaya pa ba nilang manatiling propesyonal? O dadalhin ng Euphoria ang lahat ng damdaming iniwan nila... hanggang sa boardroom?
101.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 68 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
Love Me, Mr. CEO

Love Me, Mr. CEO

Ms. Morimien
Malaki ang kapasidad ni Laura pagdating sa negosyo kung kaya’t paborito siya ng kanyang Lola at inaasahang magiging hahalili rito sa pamamahala ng kompanya. Subalit ang taglay na galing ni Laura ay ang nagbigay sa kanya ng mga sekretong kaaway na hihila sa kanya pababa. Sa isang iglap ay nawala ang lahat sa kanya nang i-set up siya ng pinsan at tiyahin. Nangyari ang isang gabing pagkakamali na siyang bumago sa buhay ni Laura ng tuluyan. Subalit marahil ay likas siyang pinagpala dahil nagbunga ng kambal ang pagkakamaling iyon. Iyon ang naging dahilan ni Laura para bumangon muli. Matapos ang limang taong pagpapakahirap niya sa ibang bansa ay bumalik siya sa Pilipinas para ipamukha sa pamilyang tumaboy sa kanya na hindi nagtagumpay ang mga ito sa pagpapabagsak sa kanya. “Mommy!” Pumihit sa direksyon ni Michael si Laura at sinalubong ng mahigpit na yakap ang anak. “Where have you been?” Nakasimangot na tanong ng bata. Akmang magsasalita si Laura ngunit natigilan siya ng lumitaw mula sa likuran ng bata ang pamilyar na lalaki. Ganoon na lamang ang pag-awang ng kanyang labi habang nakatitig sa kanya ang lalaki. “So, he’s your son?” Tanong nito dahilan para awtomatikong mapraning si Laura. “Mommy! This guy said he is my Daddy! Is that true, Mommy?!” Ngumisi ang magagandang uri ng labi ng lalaki. He’s assumptions are right. He’s biggest competitor in the world of business, Laura De Silva Goldsmith is the woman he’d been looking for five long years. And now that he caught her with his twins — he won’t let her go again. Suddenly, her plan to revenge was melted by his love. And Laura found herself saying… “Love Me, Mr. CEO.” But the question is, will there be a happy ending for them?
101.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 36 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
FOREVER MINE, MRS. CEO

FOREVER MINE, MRS. CEO

SYNOPSIS: FOREVER MINE, MRS. CEO Megan Ratajkowski built her billion-dollar empire based on one rule: never look back. Five years ago, she was the most awaited bride in the country, preparing for a wedding worth 500 million pesos—an event that would’ve made her one of the most talked-about people in high society. But before she could even walk down the altar, her whole world crashed down. She received only one text message from Damien Harrington: “Don’t wait for me.” Walang paliwanag. Walang paalam. Naiwan siyang may matinding kahihiyan sa harap ng lahat, at nasira ang puso at pangarap na binuo niya. Ngayon, si Megan na ang pinakabata at pinakamakapangyarihang female CEO sa buong bansa. Ginawa niyang sandata ang tagumpay—cool, brilliant, at sinasabing walang puso pagdating sa negosyo. Ang tagumpay ang naging kalasag niya, para makalimutan ang lalaking minsan nang winasak ang lahat ng meron siya. Pero may ibang plano ang tadhana. Isang mataas na pusta na merger deal ang magbabalik sa kanya sa nakaraan. Harap-harapin niya ulit ang taong ayaw na niyang makita: Damien Harrington. Ngayon siya na ang pinuno ng Harrington Holdings—mas mayaman, mas mapanganib, at mas matindi pa sa dati. Sa sandaling pumasok siya sa boardroom at nagtama ang kanilang mga mata, biglang bumalik ang lahat ng sakit, galit, at mga alaala na akala niya ay nakalimutan na niya. “You don’t get to walk back into my life like nothing happened,” mariin na sabi ni Megan. “I’m not asking to walk back,” sagot ni Damien, na may matinding paninindigan sa kanyang boses. “I’m here to take what’s mine.” Pero sa likod ng mga labanan sa negosyo, may katotohanang hindi nila maitatago. Limang taon siyang hinanap ni Damien saanman siya magpunta. Limang taon din na hindi siya nagmahal ng iba.
205 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
Contracted Nights With My Billionaire Gigolo (SPG)

Contracted Nights With My Billionaire Gigolo (SPG)

Contracted Nights With My Billionaire Gigolo (SPG) Atty. Kimberly Montefalco once had it all—successful lawyer, stable marriage, at ang lalaking mahal niya, si Michael Alcantara. Pero isang gabi habang nagtatalik silang dalawa, gumuho lahat ng akala niyang perfect life niya. Iniwan siya ni Michael dahil hindi siya enough sa kama. Hindi niya kayang i-satisfy ang sariling asawa. Masakit. Nakakahiya. Pero kahit ganoon, mahal pa rin ni Kimberly si Michael. Ayaw niya tanggapin na tapos na sila. Para sa kanya, kung maaayos niya lang ang problemang iyon, babalik din ang asawa niya. Pero may isang malaking problema, wala siyang alam tungkol sa sex. No experience. So, she hired a man. Si Cameron Archangel. Isang high-end gigolo na kilala sa underground world bilang cold, professional, at “expensive lesson” pagdating sa desire at intimacy. Hindi siya basta nagbibigay ng pleasure—tinuturuan niya ang babae kung paano maintindihan ang sariling katawan, confidence, at control. Simple lang ang request ni Kimberly: turuan siya kung paano maging babae na babalik-balikan ng asawa niya. Ang mga sessions nila ay nagsimula bilang purely professional. Step by step, tinuruan niya si Kimberly kung paano magbukas ng sarili—hindi lang physically, kundi emotionally rin. Unti-unti, natutunan ni Kimberly ang mga bagay katulad ng pleasure, confidence, at self-worth. Hindi niya alam, hindi pala talaga isang gigolo si Cameron, kundi isang bilyonaryo! Hanggang sa isang araw, bumalik si Michael. Akala niya, makikita niya pa rin ang dating Kimberly walang silbi sa kama. Pero ang nakita niya, ibang-iba na. Now Kimberly is no longer just a wife trying to be enough. She is a woman who finally knows her worth. Babalikan ba niya ang lalaking iniwan siya… o pipiliin niya ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal ng sarili niya?
10166 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
Love you still

Love you still

Meowpyyyyy
Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Alexena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin niya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya. Akala niya ay okay na siya, akala niya ay naka-move on na siya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala niya dahil tutol man ang isip niya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso niya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?
2.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 95 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
Punished By The Mafia Billionaire

Punished By The Mafia Billionaire

Hindi ako marunong maging mahina. Sa buong buhay ko, kamao ang naging sagot ko sa lahat. Kapag may nanakit... lumalaban ako. Kapag may nang-api... sumusuntok ako. Dahil iyon lang ang alam kong paraan para mabuhay. Pero walang suntok ang kayang talunin ang sakit ng makitang unti unting nilulunod ng sugal ang sarili mong ama. Isang gabi... isang maling suntok ang tuluyang sumira sa buhay ko. Akala ko isa lang siyang bastos na customer sa nightclub na pinagtatrabahuhan ko. Kaya pinatikim ko siya ng pinakamalakas kong suntok. Hindi ko alam... ang lalaking iyon pala ay si Henry Zobel. Ang pinakamapangyarihan... pinakamayaman... at pinakakinatatakutang mafia billionaire sa bansa. Akala ko papatayin niya ako. Mas malala pa pala. Ginawa niya akong personal maid sa loob ng isang taon bilang kaparusahan... kapalit ng pagbabayad sa napakalaking utang ng ama ko. Ako? Maglilinis ng mansion? Hindi nga ako marunong magplantsa nang hindi nakakasunog. Hindi ako marunong maglaba nang hindi kumukupas ang damit. At lalong hindi ako marunong yumuko sa kahit kanino. Pero ang hindi ko inaasahan... ang pinakamahirap palang trabaho ay hindi ang pagiging maid. Kundi ang unti unting pagbuwag sa pader ng isang lalaking matagal nang namatay ang puso. At ang mas nakakatakot... Ang pagbabantay sa sarili kong puso na huwag mahulog sa lalaking hindi ko dapat mahalin. Lalo na nang makilala ko ang apat na taong gulang niyang anak na si Zac... ang pinakamakulit, pinakamatalino, at pinakamatinding matchmaker na nakilala ko. Habang pilit niyang pinagdudugtong ang mga pusong pareho nang sugatan... May mga taong handang pumatay para manatiling mag-isa si Henry. At kung kailangan kong maging kalaban ng buong mafia world para iligtas silang mag-ama... Hindi ako uurong. Dahil minsan... Ang babaeng sanay lumaban gamit ang kamao... Natututong ipaglaban ang pag-ibig gamit ang puso.
1081 viewsOngoingIdinagdag sa Library 2 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
Under Cover Maid and the Billionaire Assassin

Under Cover Maid and the Billionaire Assassin

Si Alena Ortiz ay tila isang inosente, mahina, at mangmang na kasambahay na desperadong magkaroon ng trabaho. Ngunit sa likod ng kanyang apron ay nakatago ang kanyang tunay na pagkatao—MAGDARAGIT, isang maalamat na undercover operative na kinatatakutan maging ng mga kriminal at sindikato. Ang kanyang misyon ay isa lamang: tuklasin ang katotohanan sa likod ng sunod-sunod na pagpatay at ibagsak ang mga taong nasa likod nito. Ngunit ang pinakamalaking balakid sa kanyang misyon ay ang kanyang sariling amo. Si Mark Jacob Escallon Valderama, isang bilyonaryong negosyante na kilala sa pagiging walang awa sa mundo ng negosyo ngunit mapagkawanggawa sa mga nangangailangan. Habang tinitingala siya ng publiko bilang isang huwarang negosyante, may isa pa siyang lihim na buhay na walang sinuman ang nakaaalam. Sa pagsapit ng gabi... Siya ang kinikilalang World Top Assassin No. 1. Dalawang taong nabubuhay sa kasinungalingan. Dalawang lihim na pagkatao. Dalawang pusong parehong nilamon ng trahedya matapos mawalan ng mga magulang sa murang edad. Sa una, itinuring nila ang isa't isa bilang hadlang sa kani-kanilang misyon. Ang bawat pagtatagpo ay puno ng pagdududa. Ang bawat pag-uusap ay isang laban ng talino. Ang bawat lihim ay maaaring maging dahilan ng kamatayan ng isa sa kanila. Ngunit habang unti-unting nabubunyag ang mga katotohanan, napagtanto nilang iisa lamang pala ang kanilang hinahanap. Ang tunay na utak sa likod ng pagkamatay ng kanilang mga pamilya. At ang organisasyong responsable sa mga kasamaan na bumabalot sa Sto. Alonzo. Habang isa-isang nabubunyag ang kanilang mga lihim na pagkatao, ang dating magkaaway ay napilitang maging magkaalyado. Sa gitna ng panganib, pagtataksil, at walang humpay na habulan, isang pag-ibig ang dahan-dahang namuo sa pagitan ng dalawang taong isinumpang huwag magtiwala kaninuman. Ngunit sa mundong kanilang ginagalawan, ang pag-ibig ay maaaring maging pinakamalaking kahinaan.
145 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang moonshell dandys world
Read
+Library
PREV
1
...
444546474849
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status