A Forbidden Night with a Stranger

A Forbidden Night with a Stranger

last updateLast Updated : 2026-04-09
By:  CjLove98Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
12 ratings. 12 reviews
65Chapters
10.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Yna Maria Cortes is a spoiled brat and happy go lucky daughter. Her dad wanted her to manage their own company but she's not interested at all. So, to teach her a lesson, her Dad asks for some help from his friend. His son, named Alas  Gabriel Dela Merzcid accepted his deals to help Yna to become a responsible one by becoming his personal secretary. She was forced to do the things she hated the most but she had no other options, she wanted her money back. So, even though she's against her dad's plan, she accepted the deal.  Until one day, she found herself to slowly accept her fate of becoming a responsible businesswoman, who is willing to do everything for the sake of everybody's wellness. She also started to like Alas for many reasons, and she falls in love with him secretly. She's ready to tell Alas about her feelings but Janus, her ex-boyfriend, comes back. He returned and asked for her forgiveness.   Neither Alas nor Janus is her problem, all she fears the most is, she's pregnant and she knows that the father of her baby was the stranger once she had sex two-months ago

View More

Chapter 1

1

MAGANDANG BALITA! NATAPOS NA ITO NG BUONG-BUOOOOO!!!!

Mahigit isang taon na ang lumipas mula noong masira ang puso ni Yna Maria Cortes, ngunit pakiramdam niya ay sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Parang kahapon lang nangyari, at sa kabila ng paglipas ng panahon, hindi pa rin siya makakilos mula sa pinagdaanan. Kahit ilang beses na siyang sabihan ng mga tao na siya ay tanga o nagkukunwaring hindi tumatanggap ng katotohanan, pinipili pa rin niyang manatili sa pag-asa. Naniniwala siya nang buong-buo na balang araw, babalik at makakasama ulit niya si Janus. Ang pangakong ibinigay nito ay hawak-hawak pa rin niya, at ayaw niyang bitawan ang pagmamahal na akala niya ay mananatili magpakailanman.

Labis na nagbago si Yna matapos ang masakit na karanasan sa kanyang unang pag-ibig. Nawala na ang dating masayahin, mapagmahal, at masunuring anak na kilala ng pamilya Cortes. Pinalitan iyon ng pagiging pasaway at laging lasinggera. Wala na siyang ibang inisip sa buhay kundi mamuhay na parang wala na siyang halaga. Araw-araw ay nagpupunta siya sa paborito niyang bar at umiinom hanggang sa mawala ang sarili. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakipag-away, lalo na kapag may mga lalaking lasing na sumusubok bastusin siya sa loob ng establisimyento. Ito na rin ang naging pinakamalaking suliranin ng kanyang mga magulang. Nasira ang kanilang pangalan sa publiko, at ang pinaka-nakakabahala kay Itay Jonathan ay siya pa laging ang kailangang humarap sa mga gulo na ginagawa ng anak niya. Para siyang determinadong ipahiya ang pangalang pinaghirapan nilang itayo nang marangal.

Pagod na pagod na si Jonathan sa paulit-ulit na pagpapaalala sa kanya. Walang saysay ang lahat ng kanyang mga sinabi at payo. Parang nauubos na ang kanyang pasensya dahil sa halip na sundan at gawin ang tama ni Yna, lalo pa itong lumalala ang pagrerebelde. Mas lalo pa itong lumalayo sa pagiging mabuting anak na dati niya.

Isang araw, nagmamadaling bumaba si Yna mula sa kanyang kwarto upang umalis nang hindi nahahagilap, ngunit sasalubungin siya ng kanyang ama. Subok niyang magmadali upang hindi siya mapigilan, ngunit hinarangan siya nito.

“Saan ka pupunta, Yna?” tanong ng kanyang ama. Napahinto siya sa paglalakad. Napapikit siya at umikot ng mata sa sobrang inis—nahagilap pa rin pala siya nito sa oras na ayaw niya.

Hinarap niya ang kanyang ama. Alam niyang magagalit na naman ito, ngunit ayaw na niyang makinig. Gusto na niyang umalis kahit anong mangyari. “Gaya ng nakasanayan, sa lugar na makakapagpahinga sa akin, Itay.”

“Sa bar na naman ba ang pupuntahan mo?” tanong nito nang mariin, subalit pinipilit pa ring maging mahinahon.

Ngumiti si Yna, ngunit walang saya sa kanyang mga ngiti. “Tama ka, Itay. Pwede na ba akong umalis? May pupuntahan lang ako.” Inayos niya ang kanyang bag sa balikat at nagsimulang lumakad nang dumagdag ang usapan ng kanyang ama. Napahinto siya at napailing sa pagod.

“Yna Maria, anak, paulit-ulit na ba akong magsasabi sa’yo? Itigil mo na ang paggawa ng masama sa sarili mo. Kailan mo ba matututunang gumawa ng tama?” lumapit ang kanyang ama sa kanya.

“Hindi naman ako gumagawa ng masama, Itay. Gusto ko lang maging makabuluhan ang mga araw ko. Bukod pa rito, wala namang ginagawa dito sa bahay kaya wala akong magawa.” Ngumiti siya na parang may tagumpay na nagawa, na parang pagpunta sa bar tuwing gabi ay isang magandang bagay na nagawa niya.

“Yna, nais ko na maging responsable ka na tulad ng dati. Nais kong ikaw na ang mamahala sa negosyo natin. Gusto kong ikaw ang maging tagapagmana, upang may magawa kang mabuti at makatulong sa pamilya. Pero paano mangyayari ‘yon kung ang ginagawa mo lang ay mga walang kwentang bagay? Sa halip na maging marangal at mabuting tao, ang ugali mo ay parang galing sa kalsada.”

Umismid lang si Yna at tumalikod. Ayaw na niyang makinig pa sa mga sermon nito. Ayaw na niyang magkaroon pa ng pagtatalo dahil alam niyang masasaktan lang din siya sa loob kahit hindi niya ipinapakita.

“Anak, bakit mo ginagawa ito sa sarili mo? Hindi ka naman ganito dati. Saan na napunta ang Yna Maria na anak ko?” malungkot na wika ng ama.

“Wala nang babalik pa ang dating Yna Maria na kilala mo, Itay. Aalis na ako,” mapait na sagot niya.

“Pwede bang itigil mo na ang pagpapahirap sa amin ng nanay mo, anak?”

“Huwag na kayong mag-alala sa akin, mas magiging madali na lang kayo kapag wala na ako. Paalam.”

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at mabilis na lumabas ng bahay.

Napaupo na lamang si Jonathan at ipinatong ang kamay sa kanyang noo. Wala na siyang magagawa sa ugali ng anak niya, at totoo namang may kasalanan din siya. Binigay niya ang lahat ng kagustuhan nito—lahat ng luho at karangyaan ay ibinigay niya upang maging komportable si Yna. Sa pagnanais na bigyan ito ng magandang buhay, napabayaan niyang itakda ang mga limitasyon at disiplina. Ngayon, sinisisi niya ang sarili sa kanyang kapabayaan bilang ama.

Diretso na dumiretso si Yna sa bar. Wala siyang ibang inisip kundi ang makalimot sa usapan nila ng kanyang ama. Iniiwasan talaga niyang pag-usapan ang tungkol sa pamamahala ng negosyo. Wala naman talaga siyang hilig sa negosyo; ang tunay na hilig niya ay ang pagsulat ng mga nobela at artikulo, ngunit hindi ito sinasang-ayunan ng kanyang ama. Ayaw niyang ipahamak ang negosyong pinaghirapan ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang kapabayaan kung sakaling mapasakamay niya ito. Pakiramdam niya ay hindi sapat ang kanyang natutunan sa kursong Bachelor of Science in Business Management dahil takot siyang humawak ng ganitong gawain.

Agad siyang humanap ng bakanteng mesa. Pinili niya ang nasa gilid na bahagi na malayo sa maraming tao, sa tapat mismo ng dancefloor. Nagbayad siya upang maging eksklusibo ang lugar na iyon para sa kanya. Ayaw niyang maabala habang umiinom at nag-iisip.

Pagkalipas ng ilang sandali, nag-utos siya ng sampung bote ng alak na paborito niyang inumin. Mabilis siyang nalasing dahil mabilis ang pag-inom niya. Mas mabilis pa siyang malasing kaysa sa mga karaniwang lasingera. Dahil sa kalasingan, bumalik ang mga alaala at pagdadalamhati sa puso niya.

Hindi pa rin matanggap ni Yna na iniwan siya ni Janus nang walang anumang paliwanag. Napakalaki ng pag-asa niya dahil nangako ito na magpapakasal sila sa loob ng taong iyon. Ngunit parang bula ang lahat—isa na lang itong pangako na hindi natupad.

Nag-upa pa siya ng pribadong imbestigador upang hanapin ito, ngunit walang nakuha na kahit anong impormasyon. Sa huli, itinigil na niya ito at sinubukang mag-move on, ngunit napakahirap para sa kanya. Kahit na ang kanyang mga magulang ay walang magawa upang pigilan siya sa kanyang mga ginagawa.

Sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ama, lalo pa siyang nagrerebelde dahil ayaw niyang magmukhang mahina o kaawa-awa sa paningin ng iba. Sinubukan niyang bumalik sa dating sarili, ngunit hindi na niya ito magawa. Laging tinatabunan ng galit at sakit ang kanyang puso.

Hindi rin niya gustong maging pabigat sa kanyang mga magulang, ngunit wala na siyang magagawa. Nagbago na siya, at ang nais na lang niya ngayon ay magsaya sa anumang paraan na alam niya. Nais niyang makalimutan ang mga problema, at higit sa lahat, si Janus na naging dahilan ng kanyang pagdurusa.

Lalong dumami ang kanyang inumin—mahigit tatlumpung bote na ang nainom niya. Sinubukan niyang tumayo upang sumayaw, ngunit nabaluktot ang kanyang mga tuhod at muntikang matumba. Napagpasyahan na lang niyang umupo ulit at nag-utos ng isa pang inumin.

Nagulo na ang kanyang buhok at kumalat sa kanyang mukha, kaya’t mukha na siyang kawawang taong walang silbi. Tuloy-tuloy ang kanyang pag-iyak at pagdadalamhati habang hawak ang baso ng alak. Hindi na niya napigilan ang sarili. Mas marami pa siyang nainom kumpara sa mga nakaraang araw.

Ang tanging naiisip niya ngayon ay si Janus. Nais niyang makita ito at makausap—makinig sa anumang paliwanag, kahit anong sabihin pa nito, basta’t makakasama niya ulit ito. Ngunit sa gitna ng kanyang kalasingan, wala namang Janus na lumilitaw. Dati, ipinagbabawal pa nga siya nito na uminom kahit kaunti, ngunit ngayon, siya na ang dahilan kung bakit ang alak na lamang ang kanyang kasama sa paglutas ng kanyang mga problema.

Nagsimula na siyang yumuko sa mesa at paluin ito sa galit at kalasingan. Parang nababaliw na siya sa kanyang nararamdaman. Kahit maraming tao sa loob ng bar, walang may gustong lumapit sa kanya dahil sa itsura niya na tila walang pakundangan. Ang kanyang buhok ay magulo at hindi niya ito inayos, at ang tingin sa kanya ay parang taong walang silbi. Wala na silang pakialam, buhay niya ito at siya ang may karapatang gawin ang anumang nais niya.

“Janus, tanga-tanga lang ako naniniwala sa lahat ng mga kasinungalingan mo,” bulong niya sa sarili. “Sinasabi mo sa akin na ako lang ang nais mong makasama habang buhay, pero bakit mo ako iniwan?”

Tinitigan lang siya ng mga taong naroon. Nakakahiya man sa paningin ng iba, wala pa rin siyang pakialam.

Nais lang niyang makalimutan ang lalaking sumira sa buhay niya. Ang lalaking akala niya ang sagot sa lahat ng kanyang mga panalangin. Hindi si Janus ang kauna-unahang minahal niya, ngunit siya ang nagdulot ng pinakamasakit na sugat sa kanyang puso—ang taong pumapatay sa kanyang damdamin hanggang sa kasalukuyan.

Bakit pa ba siya naghahanap ng lalaking wala namang pakialam sa kanya? Bakit pa ba siya nagpapahirap sa sarili para sa taong hindi na nagmamalasakit sa buhay niya?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviewsMore

CjLove98
CjLove98
Hello everyone, this book is already finished but i can't put completed cozi don't have any contact to My editor. Also i don't earn any single cents from this but i finished coz many love to read this story. Thank you all for the support..
2026-04-16 14:41:38
0
0
Mayfe de Ocampo
Mayfe de Ocampo
Madam A...di nyo na po ba ituloy ang book na to?sobrang tagal na walang update,sayang maganda na sana takbo ng kwento.
2024-03-07 23:11:00
0
0
CjLove98
CjLove98
Maraming salamat sa lahat ng mga nagbigay ng GEMs.........
2023-10-26 05:44:10
3
0
CjLove98
CjLove98
Sorry for not updating, may mga pinaprocess ako ngayon. Subrang busy ko kasi. I will update kapag hindi na ako busy...
2023-10-23 22:36:59
2
0
Inday Inday
Inday Inday
Thank you sa update author
2023-10-11 22:25:04
3
0
65 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status