MasukAgad na kumalas si Elyan sa pagkakayakap kay Yugi sa mga sandaling iyon. Hindi nito magawang alisin ang pagkakatitig nito sa binata habang si Yugi naman ay hindi makaimik.
Nag-iwas siya ng tingin sa dalaga kasunod niyon ay napakamot siya sa kanyang batok. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya at palihim na ikinuyom ang kanyang mga kamao.
He gritted his teeth.
Hindi siya masyadong nakikinig sa usapan nina Ara at Elyan kanina sa kadahi
Matapos gawin ni Lester ang kanyang project sa library ay agad na rin siyang lumabas doon. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi dahil sa wakas ay natapos na rin niya ang kanyang project na iginugol niya nang halos dalawang linggo.Balak sana niyang huwag gawin iyon ngunit kinakailangan.It was one of the requirements of his professor para maka-graduate siya. Ayaw naman niyang magpasaway dahil paniguradong makakarinig siya ng hindi kanais-nais na sermon, hindi lamang mula sa kanyang mga magulang, kundi pati na rin mula kay Yugi.Ngunit ilang saglit pa lamang ay unti-unti ring nabura ang ngiting iyon nang isang babae ang agad na sumalubong sa kanya sa hallway.Dali-dali itong yumakap sa kanyang braso at tila ba ayaw siyang pakawalan sa mga sandaling iyon."Serena," bulalas niya at kunot-noong tinapunan ng tingin ang dalaga. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na—""I've been waiting for you in here for almost an hour," putol nito sa sasabihin niya.
She was supposed to be saying no to his suggestion.Dapat ay pinaninindigan niya ang kanyang desisyon tungkol sa kanilang relasyon. Pero ang masaklap ay nandito siya ngayon sa ganitong sitwasyon kung saan ay napapaisip din siya sa suhestiyon ng nobyo."Hidden relationship," anas niya sa kanyang loob-loob at tinapunan ng tingin si Yugi na hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa kanya. "Anong pumasok sa kokote ng lalaking 'to at nakaisip siya ng ganito? Kung kailan naman naging bulgar na ang relasyon namin, saka niya sasabihin na gusto niyang itago ang lahat tungkol sa amin. What was he thinking?"Tumikhim siya at ilang saglit pa ay isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya.Muli ay sinalubong niya ang tingin ni Yugi kasunod niyon ay ang banayad niyang paghaplos sa pisngi nito."Why do you want to hide our relationship?" bungad niyang tanong na ikinangisi nito. "Kung tutuusin, wala na tayong dapat pang itago dahil halos lahat ng mga taong kilala natin at malapit sa 'tin ay alam
Alas-onse na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tulog si Yugi.Hindi siya makatulog.Gustuhin man niya ngunit kahit pilitin niya ang kanyang sarili ay tila ba ayaw siyang dalawin ng antok. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay nananatili siyang tahimik sa kanyang kinauupuan habang nakatanaw sa labas ng kanyang bintana.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang mainit na sandaling nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Elyan.That was the best he ever had with her.It was not just good.It's addicting, and it's making him obsessed with her even more.Ngunit ang mas nakakuha ng kanyang atensyon ay ang totoong dahilan kung bakit naisipan nitong lagyan ng distansya ang kanilang relasyon.She's slowly falling in love with him.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya at kalaunan ay napapailing na lamang sa mga sandaling iyon. Sa katunayan ay hindi na dapat siya nabigla pa sa ibinulgar
"I cannot believe this is happening," saad ni Merryl habang binabasa ang email na ipinadala sa kanya mula sa Donald-Walyen University. "Hindi ko akalain na nagawang itago sa 'tin ni Elyan ang tungkol sa relasyon niya kay Yugi. Ang akala ko naman ay matinong…"Habang patuloy lamang si Merryl sa pagsasalita ay tahimik lamang si Yal sa kanyang puwesto habang napapangiti. Sa puntong iyon ay hindi siya nakatingin sa email na ipinadala sa kanya, kundi nakatuon ang kanyang tingin at atensyon sa litrato nina Elyan at Yugi sa website ng university.Hindi lamang magkahawak-kamay o magkayakap ang mga ito. Kitang-kita niya sa larawang iyon ang masayang paghalik ni Elyan sa pisngi ng binata. Bukod pa roon, kita rin niya kung paano makayapos si Yugi sa dalaga.Ngunit agad din namang naudlot ang pagmumuni-muni niyang iyon nang maramdaman niya ang pagpalo sa kanya ng kanyang asawa.Tinapunan niya ito ng tingin, kung saan ay kunot-noo itong
Though the music was loud inside the car, rinig na rinig pa rin ni Elyan ang bawat pagtibok ng kanyang puso sa mga sandaling iyon. Pareho sila ni Yugi na habol-habol ang kanilang hininga habang naghahalikan at tila ba wala silang pakialam sa kanilang mga nasa paligid.Elyan doesn't care about anything at all anymore.Kung noon ay wala siyang ibang ginawa kundi umatras at magdalawang-isip, ngayon ay buo na ang kanyang desisyon na ipagpatuloy kung anuman ang kanilang nasimulang relasyon.Did she finally fall in love with Yugi, with her professor?Tuluyan na nga ba talagang humantong sa totohanan ang balak niyang maakit lamang ang professor?Inaasahan ba niyang mahuhulog sa kanya ang binata at ganoon din siya rito?Sa katunayan ay wala ni isa man sa mga nangyayari sa pagitan nila ngayon ang kanyang inaasahan. She fell in love with him, not because she feels like it, but she fell in love with him because he made her feel like she's the only woman for him.Oo at masyado pa siyang bata para
"Balak ko naman talagang sabihin sa 'yo ang totoo," anas ni Yugi habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig kay Elyan, "naghahanap lang ako ng tamang oras—not just for you, but for myself. Yes, you heard it right, I am the heir of the Zafara family, pero ni minsan ay wala sa intensyon ko na tanggapin ang papel na 'yon."Hindi umimik si Elyan, bagkus ay mataman lamang nitong pinagmamasdan ang binata."I saw them work every single day," pagpapatuloy niya. "During holidays, weekends, at kung minsan pa nga ay hindi na sila nakakapunta sa birthday naming magkakapatid. Para sa 'kin, okay lang 'yon. Naiintindihan ko sila. Pero pagdating sa mga kapatid ko, ayaw ko silang nakikitang nalulungkot. That's why it was so hard for me to accept that role."Hindi ko magawang sabihin sa 'yo ang totoo dahil maging sa sarili ko ay hindi ko tanggap. Ayaw kong matulad sa kanila na halos nawawalan na ng oras sa sarili at sa pamilya. That's why I chose to run away from home and decided to become a professor."
"Bakit kayo nakasimangot?" anas ni Lester, ang kapatid ni Yugi. "May problema na naman ba? Tungkol ba 'yan sa pinag-usapan niyo kahapon ni Papá? Is it about our business?"Hindi sumagot si Levian, ang kanilang ina.Nanatili lamang siyang tulala at hindi kalaunan ay umupo sa tabi ni Kaliya—ang bunso
Inabot lamang ng ilang minuto ang pagmamaneho ni Yugi bago niya tuluyang maiuwi si Elyan sa bahay nito. Kung tutuusin ay may usapan sila ng kanyang mga kasamahan na matapos ang event ay didretso sila sa paborito nilang coffeeshop. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli silang magkaroon ng bond
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya







